Sep 26, 2006

Tamang pagka-miss

May mga tao na di pa umaalis at nandyan pa lagi sa tabi mo pero miss na miss mo na
...siguro dahil alam mo ilang araw na lang at mawawalay na sya sa iyo

May mga tao na dapat sana namimiss mo pero di bale na lng
...siguro dahil nasaktan ka masyado, di mo inaasahan, di mo maintindihan pa'no kayo naging ganito ngayon

May mga tao na di mo alam na namiss mo kung di pa kayo ulit nagkasama
...siguro madami kang pinagwalang bahala sa relasyon ninyo noon

May mga tao na pwede mo na lng ma-miss
...dahil alam mong sa isip at panaginip mo na lang sila makakasama

Pero ano pa man klase ng pagka-miss alam mo at alam ko na ang mga nakakamiss lang ay ang mga tao na importante sa atin. Kasama mo man sya ngayon. Inasahan mong kasama hanggang ngayon. Di mo na madalas makasama. Di na muling makakasama.

Sana lang importante ka din sa kanila. Sana lang ganun din ang nararamdaman nila.

Ngunit higit sa lahat hindi man kayo pareho ng naiisip o nararamdaman...sana lng alam nila na ganyan sila kahalaga.

No comments: